Plano ng Commission on Elections na gawing automated na sa 2026 ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Mula kasi noong 2010, ginagamit na ng poll body ang automated elections system para sa national at local elections.
Sa isang press briefing , sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, na para paghandaan ang posibleng transition, magsasagawa sila ng pilot testing ng AES sa October 30, 2023 sa dalawang barangay sa Dasmariñas, Cavite at isang barangay sa Quezon City.

May humigit-kumulang 68 milyon na rehistradong botante para sa barangay elections, habang nasa 23 milyon ang nagparehistro para bumoto para sa SK elections. //CA, edited MHEL PACIA