Mga programa ng 5TH ID upang maiwasan ang deceptive recruitment sa mga kabataan, epektibo

Naniniwala ang pamunuan ng 5th Infantry Division na epektibo ang kanilang mga isinasagawang programa upang maiwasan ang deceptive recruitment ng mga rebeldeng pangkat sa mga eskwelahan.

Ito ang inihayag ni MGen Laurence Mina, ang Commander ng 5th ID, Philippine Army sa ika-26th episode ng UP UP Cagayan Valley ng TOG2.

Aniya, nagtutungo ang kanilang CMO Batallion sa mga lugar na na nagkakaroon ng recruitment o white area lalo na aniya sa mga unibersidad at kolehiyo upang ipaliwanag ang recruitment stages ng makakaliwang pangkat.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kabilang sa kanilang ipinapaliwanag ay Anti-Terrorism Act at nature ng CPP-NPA-NDF na layong bumuo ng communist dictatorship sa bansa.

Ayon pa kay MGen Mina, mula noong Enero ay umabot na sa 66 NPA Regular, 208 Militia ng Bayan at 322 supporters ang sumuko sa pamahalaan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ito aniya ay resulta ng pagtutulungan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno, pribadong sektor at tulong ng mamamayan.

Muli namang hinikayat ni MGen Mina ang mga miyembro ng makakaliwang pangkat na sumuko sa pamahalaan upang mawakasan na ilang dekadang problema sa insurhensiya.

Photo: 5th ID, Phil. Army