Lalaking nakipag-inuman, arestado matapos aksidenteng mabaril ang bisita sa Isabela

Inaresto ng kapulisan ang isang lalaki makaraang aksidenteng mabaril nito habang nakikipag-inuman ang babaeng bisita sa Bantug, Roxas, Isabela noong gabi ng September 9, 2021.

Kinilala ang suspek na si Anacleto Gonzaga, 58-anyos at residente ng Sitio Calaocan sa nabanggit na bayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PMaj. Russel Tuliao, ang hepe ng PNP Roxas, una rito ay dumating ang mga pamangkin ng suspek na sina Edmar Cabacungan at Edcel Cabacungan kasama ang biktima na si Alma Dawag, 23-anyos na mula sa Paracelis, Mt. Province.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Habang nakikipag-inuman si Gonzaga sa mga pamangkin ay naglabas ng baril na magnum 357 pistol at ipinagyayabang sa mga kainuman.

Dito ay aksidenteng nakalabit ng suspek ang gatilyo ng baril na nakatutok sa biktima dahilan upang matamaan sa kaniyang binti.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Agad namang naisugod sa pagamutan si Dawag at sa ngayon ay nasa stable nang kondisyon.

Napag-alaman na hindi rin lisensyado ang hawak na baril ni Gonzaga.

Isasailalim naman sa inquest proceeding ang suspek sa araw ng Lunes, September 13, 2021 habang nakahanda na ang kasong frustrated homicide at paglabag sa RA10591 laban sa kanya.

Photos: PRO 2