80 na manggagawa sa Isabela; natanggap na ang higit P2M na benepisyo

Natanggap na ng 80 na dating manggagawa ng defunct corporation sa Dinapigue, Isabela ang 2.6 milyon na halaga ng unpaid renumeration at iba pang mga benepisyo.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DOLE Region 2, ang naturang mga manggagawa ay kinontrata ng Enviroclean Manpower Services Corporation at dineploy sa Dinapigue Mining Corporation (DMC).

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Ibinigay ng Enviroclean ang mahigit 600,000 na unpaid wages, pro-rated 13th month pay, at bayad ng unused service incentive leaves ng mga nasabing manggagawa.

Bagaman walang monetary obligation ang DMC ay boluntaryo pa ring nagbigay ng separation pay na nagkakahalaga ng higit 2 milyon pesos.

Tinanggap din ng DMC ang 80 na manggagawa sa kanilang bagong contracted manpower services upang matulungan ang mga ito na magkaroon ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Ang SENA ng DOLE ay naglalayong matulungan ang mga manggagawa sa maayos na settlement procedure upang maiwasang magkaroon ng actual labor cases.

Muli namang hinikayat ng ahensya ang mga manggagawa na isangguni ang anumang problema sa kanilang trabaho upang agarang mabigyan ng assistance at settlement.

Photo: DOLE Region 2