Mga professional boxers, sisibol sa lalawigan oras na masimulan na ang kauna-unahang Grass Roots Boxing Development sa probinsya

SORSOGON CITY – Naniniwala ang Lokal na Pamahalaan ng Bulan na mas marami pang professional boxers mula sa lalawigan ang sisibol oras na maging matagumpay ang implimentasyon ng Grass Roots Boxing Development na unang gagawin sa bayan ng Bulan.

Ayon kay Municipal Councilor Olaf Gotladera, matagal na panahon nang naisasantabi ang boxing culture sa lalawigan partikular na sa kanilang bayan dahil sa kawalan ng suporta ng LGU.

Aniya, karaniwan kasi na nagbibigay lamang ng suporta kapag nakikilala na ang mga boksingero sa mas malaking entablado bagay na hindi umano maganda para sa mga amature boxers.

Nagiging dahilan kasi ito kung bakit bibihira ang mga Bikolanong nakakapasok sa professional boxing kumpara sa ibang mga rehiyon gaya ng Visayas at Mindanao na mayroong mga programa ang LGU.

Una rito, tiniyak ng opisyal na sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nila sa mga national government agencies at iba’t-ibang boxing association ay mabababaan sila ng sapat na pondo para suportahan ang mga kabataang nahihilig sa paglalaro ng boksing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *