Yellow Bus, walang biyahe kasabay ng “No Movement Sunday”

KORONADAL CITY — WALANG biyahe bukas araw ng Linggo at sa susunod pang Linggo, Setyembre 12 sa kanilang lahat na ruta ang Yellow Bus Lines Incorporated o YBLI dahil sa implementasyon ng “No Movement Sunday” sa mga lungsod ng Koronadal, General Santos City at buong Sultan Kudarat.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay YBLI Operations Manager Bernard Bolanio, sinabi nito na kanselado ang biyahe ng kanilang mga bus sa lahat ng kanilang mga ruta sa unang dalawang araw ng Linggo ngayong Setyembre dahil sa mga “No Movement Sunday na ipinatutupad.

Paliwanag nito, minabuti nilang kanselahin na rin ang mga biyahe sa ibang lugar na hindi nag-deklara ng No Movement Sunday dahil halos lahat sa kanilang mga bus ay nanggagaling sa Koronadal at GenSan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Pinasiguro naman nito na tuloy-tuloy ang kanilang biyahe mula araw ng Lunes hanggang Sabado.