Mga Pinoy na patungong Japan, hihigpitan ang ‘screening’ kaugnay sa human trafficking

Hihigpitan ng Bureau of Immigration (BI) ang screening para sa mga Pinoy na patungong Japan dahil sa umanoy human trafficking issue.

Sa isang memorandum, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na dapat magkaroon ng ‘extra caution’ ang mga inspectors upang masiguro na tama ang mga visa na hawak ng mga ito.

Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Nakatanggap umano sila ng mga reports kung saan short visit lang ang dinideklara ng mga Pinoy na patungo sa naturang bansa pero ang tanging intensyon nila ay ang makapagtrabaho doon.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Samantala, sinabi ni BI port Operations Chief Carlos Capulong na gawin ang pangalawang inspeksyon kapag duda ang mga immigration inspectors sa declared purpose of travel ng pasahero.

(ARGIE ERGINA)