Sandigan, hinatulan si Pichay ng graft re: P780-M water agency fund mess

Hinatulan ng Sandiganbayan si Surigao del Sur Representative Prospero Pichay, Jr. para sa tatlong bilang ng graft na may kaugnayan sa mismanagement ng P780 million na pondo ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Sa 66 na pahinang desisyon, hinatulan ng anti-graft court’s Fourth Division si dating LWUA administrator Pichay at ang kanyang dating deputy administrator Wilfredo Feleo Jr. kaugnay sa pagbili ng LWUA sa 60% voting stock ng Laguna-based local thrift bank Express Savings Bank Inc. (ESBI) na pagmamay-ari ni WELLEX Group Inc. (WGI) at Forum Pacific Inc. (FPI) noong 2009.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Binigyang diin ng Sandiganbayan na nagdulot si Pichay at Feleo ng undue injury sa gobyerno, nang ginawa ang ESBI acquisition nang hindi kumukuha ng mga requirements at prior approval ng Office the President, Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas-Monetary Board (BSP-MB), at ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) alinsunod sa isinasaad ng Republic Act 8791 o ang General Banking Law of 2000 at Administrative Order No. 59.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Dahil dito, mahaharap ang dalawa sa anim hanggang sampung taon na pagkakakulong para sa bawat count ng graft o kabuoang 18 hanggang 30 taon, maliban pa sa perpetual disqualification mula sa paghawak ng public office. //MHEL PACIA