Naniniwala ang pamunuan ng Aemilianum College Inc. College of Law na ang kanilang mga law graduates na pumapasa sa ba exams ang isa sa mga dahilan kung bakit dumarami ang nahihikayat na mag-enroll sa kanilang paaralan.
Sa pahayag ni Judge Marie Louise Aragon sinabi nito na batay sa kanilang obserbasyon, tumataas ang bilang ng kanilang mga enrolees sa tuwing marami silang mga law graduates na pumapasa sa nasabing pagsusulit.
Aniya, tila nagsisilbing inspirasyon ang nasabing mga bar passers kung kaya mas marami ang na-eenganyo na kumuha ng kursong abogasya.
Sa ngayon, mayroon silang mahigit 100 na mga estudyante na dahil sa mataas na passing average ay kanilang inaaasahan na madaragdagan pa sa mga susunod na taon, at sinisikap umano nila na hindi mabokya ang ACI College of Law sa bawat bar exams upang hindi rin ito mapasara.
