End Stunting Activity isinagawa ng BNFM sa isang baranggay sa Olongapo

Magkatuwang na nagsagawa ng End Stunting Activity ang BNFM Olongapo City at Brigada Healthline sa Brgy. Pag-Asa dito sa lungsod.

Nito lang nakalipas na Sabado ay isinagawa ang aktibidad kasama ang Briganatics at ang pamunuan ng baranggay.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Nasa animnapung mga bata kabilang sa benipisyaryo ng programa bilang bahagi ng kagustuhan ng Brigada Group na matulungan ang gobyerno na malabanan ang problema sa stunting at kakulangan sa sapat na nutrisyon.

Kaugnay nito, umabot sa mahigit isandaan ang bilang ng mga bata at ina nabigyan ng arozcaldo habang animnapung bata naman benipisyaryo ng yummyvit syrup.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nagkaroon rin ng simpleng palaro sa mga bata at nanay bilang dagdag bahagi ng kasiyahan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO