Namahagi ang Department of Social Welfare and Development Regional Office 2 ng family food packs sa mga pasaherong hindi nakabiyahe sa Batanes dahil sa epekto ng Bagyong Carina.
Aabot sa 28 na family food npacks ang ibinahagi kung saan 25 rito ang ibinigay sa mga stranded sa Basco at tatlo naman ang naipamahagi sa Sabtang.
Hindi nakabiyahe ang nasabing mga pasahero matapos makansela ang flight sa paliparan at pagtigil ng operasyon ng mga pantalan.
Bahagi ng disaster response operations ng kagawaran ang patuloy na pamamahagi ng relief goods sa mga apektado ng bagyong Carina.