Apat na barangay sa DOS, ghost town na

Apektado ngayon ng nangyaring paglusob ng mga armado ang apat na mga barangay sa coastal area ng bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao de Norte.

Kinabibilangan ng mga barangay ng Mumpong, Linek, Badak at Kusiong ang nagmistula ngayong ghost barangay dahil sa pangyayari na nagresulta sa pagkasawi ng isang certain Commander Saidali Mantawil.

Read More:  Bangsamoro Farmers back Murad Ebrahim for chief minister

Sa ngayon, nasa isang paaralan sa bahagi ng Barangay Semba ang mga pamilyang lumikas at nanawagan ang mga ito ng tulong sa Pamahalaan.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Kahapon ng hapon ay tinungo ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat kasama ang kanyang kapatid na si Board Member Datu Rommel Sinsuat at si Former Board Member Datu Bimbo Sinsuat ang lugar kasabay ng panawagan sa PNP at Militar na tiyakin ang seguridad ng mga mamamayan.