Tinatayang umakyat na sa mahigit limang libo ang inisyal na bilang ng mga pasaherong bumabyahe sa magkatabing terminal ng Baliwag Transit at Five Star Bus sa Cubao kasunod ng Undas 2024.
Kung saan, tulad ng inaasahan ng mga bus company, pagtapak ng alas onse ay biglaang sumirit na ang bilang ng mga pasaherong nagsisidatingan na nais ng makauwi sa kani-kanilang probinsya.
Ilan sa mga ito ay nag-absent na sa kanilang trabaho ngayong araw upang makauwi agad at hindi na makisabayan pa sa mas maraming bilang ng mga pasahero.
Samantala, ngayong pa-hapon hanggang gabi naman mas inaasahang darami at hahaba ang pipila sa mga nasabing terminal.