Executive session sa kaso ni Bamban Mayor Guo, nakatakdang gawin ng komite ni Sen. Hontiveros

Inamin ni Senate Committee on Women Children Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na tila naging paikot-ikot at paulit-ulit ang kamakailang pagdinig kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay matapos ang pare-pareho lang niyang pahayag sa mga itinatapong tanong sa kanya ng mga senador katulad na lang ng ginawang pagpapakwento sa kanya ni Senadora Loren Legarda sa kanyang ‘childhood memories’.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Alinsunod nito, bago umano ang panibagong public hearing ay magsasagawa muna sila ng executive session kasama ang iilang executive departments/agencies at intel agencies habang tumatakbo ang adjournment sa Senado.

Anya, tiwala siyang marami ang lalabas mula rito tulad na lang ng koneksyon ni Guo sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), sa mga kriminal at maging ang pinagmulan ng kanyang kaduda-dudang yaman.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Kaugnay nito, buo ang loob ng senador na magiging solido ang kanilang findings at maging recommendations sa kanilang commitee report hingil kay Guo.