LEGAZPI CITY – Inihayag ng City Health Office (CHO) na target nila sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa susunod na linggo ang mga pribado at pampublikong paaralan sa lunsod ng Legazpi.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay City Health Officer Dr. Fulbert Alec R. Gillego, sinabi niyang ngayong linggo, nasa evaluation process ang DepEd, habang ang mga pribadong paaralan naman, ay nasa examination period, kung kaya’t sa susunod na linggo na lamang sila magsisimula ng pagbabakuna sa mga paaralan.
Aniya, 100 ang kanilang inisyal na target sa bawat paaralan upang mahati at maipamahagi ang mga bakuna at mabigyan ang lahat.
Dagdag pa niya, kapag may dumating na bagong supply ng mga bakuna ay babalik sila sa mga paaralan upang muling magbakuna lalung-lalo na sa mgamay edad na 5 hanggang 11 taong gulang na aabot pa lamang sa 1,600.