Presyo ng poultry products, apektado sa pansamantalang pagsuspinde sa pag-export sa labas ng rehiyon – DA Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) Bicol na ang pansamantalang pagsuspende sa pag-export ng mga poultry products ay makakaapekto sa presyo nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DA Bicol spokesperson Emily Bordado, ang nasabing suspensyon na tatagal ng 30-araw ay may epekto sa presyo ng poultry products at pati na rin sa mga nagpapalabas ng mga produkto sa ibang lugar.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aniya, ang sakop ng suspensyon ay ang lokal na paggalaw lamang ng mga domestic at wild birds and poultry products habang ang pag-iimport naman ay hindi kasama sa nasabing suspension order.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Kung matatandaan, pansamantalang sinuspende ng DA Bicol ang pag-export ng mga poultry products sa labas ng rehiyon, matapos makapagtala ng Avian Flu sa lalawigan ng Camarines Sur, nitong Marso.