Mga paaralan, ahensya, nakiisa sa Q2 nationwide simultaneous quake drill

Sabayang nag-duck-cover-and-hold ang iba’t ibang mga tanggapan ng gobyerno, mga opisina’t, mga paaralan.

Ito ay bilang pakikiisa sa 2023 2nd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Read More:  INC ends three-day protest, renews defense of Marcoleta

Sinanay sa naturang drills ang iba’t ibang mga scenarios sa oras na tumama ang isang malakas na lindol.

Kabilang na rito ang simulation ng pagguho ng isang gusali, at kung ano ang mga tamang procedures at protocols para sa pagresponde at pagtugon sa mga injured individuals at mga casualties.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Pangunahing layunin ng programa ay mapaghandaan ang malalakas na pagyanig, kabilang na ang pinangangambahang ‘The Big One’, ‘o ‘yung paggalaw ng West Valley Fault sa greater Manila. //LGD, edited MHEL PACIA