Kampo ni de Lima, di na raw nabigla sa pagbasura sa bail bid; MR inihahanda na

Hindi na raw ikinabigla ng kampo ni Sen. Leila de Lima ang ginawang pag-deny ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 sa kaniyang petisyon na makapag-bail para sa natitira niyang kaso hinggil sa ‘di umano’y kaugnayan niya sa kalakaran ng iligal na droga.

Sa isang panayam, sinabi ng kaniyang counsel na si Atty. Dino de Leon na inaasahan na raw nila ang naturang desisyon.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Paliwanag niya, bagamat nalungkot sila’t umasa pa rin – mula noong una pa lang ay isa nang political persecution ang kinahaharap ni de Lima.

Isa raw itong patunay na patuloy na pinatatahimik ang dating senadora.

Kaugnay nito, sinabi ng isa pa niyang abugado na si Atty. Boni Tacardon na inihahanda na ng kanilang team ang paghahain ng motion for reconsideration.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Sa ganitong paraan daw ay baka makita na ng korte ang kanilang posisyon na hindi dapat mapaniwalaan ang mga testimonya ng mga convicted criminals.

Samantala, itinakda ng korte sa June 19 at June 26 ang susunod na pagdinig sa kaso ni De Lima. // LGD, edited MHEL PACIA