Mga otoridad, pinag-aaralan kung may kinalaman ang foreign terrorist sa MSU

Tinitingnan ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines kung may kinalaman ang mga banyagang grupo sa nangyaring pagpapasabog sa Mindanao State University.

Kunumpirma nina Defense Sec. Gilberto Teodoro at AFP Chief Staff Romeo Brawner Jr. na bukod sa local terrorist group tulad ng Maute group, Abu Sayyaf, at Daulah Islamiyah pinag-aaralan din nila ang anggulo na may posibilidad na may banyangang  grupo ang nasa likod ng pagsabog sa MSU.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Ayon naman kay Brawner, ang pag-atake ay posibleng paghihiganti sa sunod-sunod na operasyon ng military laban sa mga teroristang grupo sa Mindanao.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Kasama rito ang pagkakapatay sa 11 miyembro ng Dawla Islamiya at pagkakapatay sa lider ng Abu Syyaf na si Mundi Sawadjaan na siyang utak sa Jolo Cathedral bombing noong 2019.