Mga otoridad, inatasan ng Pangulo na huwag palabasin ang mga ayaw magpabakuna kontra COVID-19

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad na panatilihin na lamang sa bahay ang mga tao na hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.

Tinukoy ng Punong Ehekutibo ang mga hindi pa nagpapabakuna bilang mga “Walking spreaders”.

Sinabi rin ng Pangulo sa kaniyang televised address na dapat ay samahan ng mga pulis at mga opisyal na barangay ang mga unvaccinated na indibidwal pauwi ng kanilang bahay at huwag hayaan ang mga ito na maglibot.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa ngayon ay sinabi ng Punong Ehekutibo na nanatiling defenseless ang bansa pagdating sa mga tao na ayaw magpabakuna.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ipinunto niya na ang problema ngayon ay posibleng marami ang mamatay kung hihintayin pa na magkaroon ng batas laban sa mga ayaw magpabakuna.

Handa naman ang Punong Ehekutibo na humarap sa mga kaso sakaling gumawa ng aksyon ang korte laban sa kaniyang kautusan na panatilihin ang mga unvaccinated na indibidwal sa loob ng mga bahay.