Cindy Miranda, nasasaktan sa mga paratang sa kaniya ng bashers

Aminado ang sexy actress na si Cindy Miranda na nasasaktan ito sa mga puna sa kaniya ng mga bashers nito na pro-Kylie.

Ito ay matapos siyang tawagin na “kabit, p*k-p*k, at bobo” ng mga netizens na naninisi sa kaniya sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Kinwestyon ni Cindy kung ano ang basehan ng mga tao sa kanilang paratang.

Ipinunto ng aktres na masakit ito para sa kaniya kahit ayaw niyang magpaapekto, dahil sinusukat na ang kaniyang pagkatao nang hindi siya kinikilala.

Ayon kay Cindy, umabot na siya sa punto na kinailangan niyang tutukan ang kaniyang Instagram account para mag-delete ng comments.

Iginiit ng aktres na ayaw na niyang patulan ang mga bashers.

Samantala, sinabi naman ni Cindy na imposible na siya ang third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie dahil nangyari ito bago nila gawin ang pelikulang Nerisa kung saan ay nakatambal niya ang aktor.