Mga on-going flood control projects sa Naga City pinapabilisan na ng mga barangay officials para makaiwas sa pagbabaha

NAGA CITY –Mayroong mga flood control projects sa Naga City ang hindi pa natatapos, karamihan sa mga ito ay maliliit lamang tulad ng drainage canal sa mga interior ng mga barangay.

Kabilang pa sa binabantayan ay ang mga creek at ang Naga River na tinatapunan pa rin ng mga basura ng ilang mga residente na nakatira malapit sa pampang, bukod pa sa waste water mula sa mga kabahayan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Pag ganitong may pag-uulan, isa ang barangay Calauag ang laging binabaha mula pa noon at hanggang ngayon lalo na kung may sama ng panahon at bagyo na siya namang nirereklamo ng mga residente.

Ayon naman kay Liga Presidente Punong Barangay Corazon Penaflor, bagamat nasanay na sila sa ganitong mga senaryo sa kanila kung may ulan, naroroon pa rin ang pagsisikap nilang masolusyonan ang pagbabaha.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Hangad niyang sana ay matapos na rin ang ilang mga propjects sa kanila ,bago pa tuluyang dumating ang panahon ng pag-uulan.

Una na ring kinumpirma ng City Engineer’s Office na maraming mga request ang mga barangay para sa ganitong mga prohektong kontra baha.