Mga OFW na biktima ng illegal recruitment sa Italy, bibigyan ng tulong ng DMW

Tutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Overseas Filipino workers (OFW) na biktima ng illegal recruitment sa Italy.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, papautangin nila ang mga biktima depende sa magkano ang halaga ng umano’y naloko sa mga ito.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Aniya, makikipag-ugnayan sila sa abogado sa Italy upang tulungan ang mga biktima na maghain ng kaukulang kaso.

Sinabi naman ni Consul General Elmer Cato na humigit-kumulang 33 ang nabiktima sa naturang scam at suma total nasa P39M ang nawala sa kanila.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Dagdag pa ni Cato, nakikipagtulungan ang DMW kasama ang Justice and Foreign Affairs Department upang matugunan ang kaso.

Una nang sinabi ng DMW na magpapadala sila ng fact-finding team sa Italya para imbestigahan ang mga paratang sa dalawang kumpanya.