CHR, wi-nelcome ang kasong murder laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar

Mahigpit daw na susubaybayan ng Commission on Human Rights ang murder cases na isinampa ng Department of Justice laban sa anim na pulis-Navotas na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Kamakailan, iniutos ng korte ang pag aresto sa anim na pulis matapos na ilabas ang warrant of arrest ng korte laban sa mga ito.

Noong Miyerkules naman ay boluntaryong sumuko ang anim sa PNP CIDG.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR, umaasa silang dahil sa “swift development” ng kaso na ito ni Jemboy ay makakamit ng kanyang pamilya ang hustiya.