Binuong Small Committee sa Kamara, hindi “namimili” ng mabibigyan ng confidential funds sa 2024

Nilinaw ni House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City Second District Representative Stella Quimbo na hindi sila namimili ng bibigyan ng confidential at intelligence funds para sa susunod na taon.

Ayon kay Quimbo, nagra-rationalize sila o itinatama ang pagkakaloob ng CIF sa mga ahensya dahil nakabase lamang sa National Expenditure Program ang alokasyon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Hindi aniya nila tinitingnan ang ahensya kundi ipinatutupad ang general principles.

Kabilang sa pinagpapasyahan ng small committee ay ang pagsuri sa civilian agencies na nangangailangan ng confidential funds upang magampanan ang mandato.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Bukod dito, ipinaliwanag ng kongresista na tinatapyasan o tinatanggalan nila ang mga ahensya na hindi kailangan ng CIF at saka inililipat sa may mahalagang papel sa pagprotekta sa West Philippine Sea.

Mababatid na tatapusin ng small committee ang pagresolba sa individual amendments ukol sa 2024 proposed national budget sa October 10.