Mga nominado sa 71st FAMAS Awards, inanunsyo na

Inanunsyo ng FAMAS Awards ang mga nominado sa parangal na gaganapin sa Manila Hotel sa linggo.

Para sa best actress, ang mga nominado ay sina Liza Lorena para sa Family Matters, Nadine Lustre sa Greed, Heaven Peralejo sa Nanahimik Ang Gabi, Janine Gutierrez sa Ngayon Kaya, at Sheila Francisco sa Leonor Will Never Die.

Samantala, nominado naman sa best actor sina Paulo Avelino ng Ngayon Kaya, John Arcilla ng Reroute, Diego Loyzaga ng Greed, Ian Veneracion ng Nanahimik Ang Gabi, at Noel Trinidad ng Family Matters.

Isa sa limang nominadong best supporting actress ang transgender na si OJ Arci para sa pelikulang La Traidora. Si OJ ang unang transgender nominee ng FAMAS sa kategoryang ‘yon.