Ipapatupad na simula sa Martes, Agosto 8 ang pangongolekta ng toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX) – South Luzon Expressway (SLEX) Connector.
Matapos maglabas ang Toll Regulatory Board (TRB) ng Notice to Start Collection (NTSC) para sa expressway.
Kaugnay rito, ang driver ng mga Class 1 – sasakyan at SUVs ay magbabayad ng P86.
Para naman sa Class 2 – minivans at bus ay P215; habang sa Class 3 – malaking truck at trailers ay P302.
Mababatid na simula nag-umpisang buksan ang naturang connector ay toll-free ito mula Marso.
