NAGA CITY – Tuloy ang hinaing ng mga apektadong maliliit na mga negosyante na nasa Naga City People Mall partikukar na iyong mga nasa dried fish section, dahil sa kahirapang nararanasan bilang epekto ng kasalukuyang pandemya.
Nakapanayam ng Brigada News Fm Naga ang isa sa mga may puwesto sa dried fish section na si “Angela” na nagkalubog lubog sa mga babayarin mula ng magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Ayun sa kanya muntik niya ng isara ang puwesto niya dahil sa problema pinansiyal kung di lang siya natulungan ng Metro Naga Public Employment Service Office o MetroPESO.
Aniya ang perang mula sa stimulus program ay magagamit bilang capital sa puwesto niyang halos wala ng laman.
Una na ring sinabi ni Mongoso na may pondo silang inilaan sa pagpa loan sa mga ma liliit na mga negosyante sa NCPM kailangan lamang na kompletuhin ang mga requirements na hinihingi nila.