3 municipal most wanted persons sa Libon, Albay arestado sa kasong panggagahasa

LEGAZPI-Ipinag-uutos ng hepe ng kapulisan sa rehiyon Bicol, PBGEN JONNEL C. ESTOMO, na tugisin at dakpin ang lahat ng mga taong nagtatago sa batas na mga most wanted person.

Naaresto nitong Pebrero na si Marlon Toledo Lozano, ng Brgy. Burabod bayan ng Libon, Albay, Rank No. 1 Municipal Most Wanted Person.

Ang nasabing akusado ay dinakip ng pinagsanib ng puwersa ng Libon MPS, Albay PIU at Albay 1st PMFC sa bisa ng warrant of arrest na inutos ng RTC Branch 14, Ligao City para sa tatlong kaso ng panggagahasa na walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ikalawang inaresto rin ang most wanted person ng kaparehong bayan na kinilalang si Emmanuel Marquez Petremetre.

Si Marquez ay nasakote ng pinagsamang operatiba ng Libon MPS, Albay PIU at Albay 1st PMSC sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Branch 14, Ligao City para sa kasong panggagahasa na walang inerekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantalang ang Rank number 1 most wanted person ng Libon, Albay na kinilalang si Alberto Rojo y Cañada, ang kusang sumuko sa otoridad matapos na magtungo sa Capalonga MPS.

Si Rojo ay may standing warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na may inilaang piyansa na P80,000 ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang PNP Bicol, patuloy sa pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin upang ganap na mahuli ang lahat ng mga taong nagtatago at nagkasala sa batas.