Target ng Local Vaccination Operation Center ng Olongapo na maturukan ng booster shot ang 12,000 katao.
Ito ay para sa dalawang araw na National Vaccination days na magsisimula bukas, araw ng Huwebes hanggang sa Byernes.
Ayon kay Dr. Anna Figuerrez, City Health Office coordination on immunization, parehong magbubukas para sa booster ang Rizal Triangle at SMX Convention.
Maliban dito ay mayroon ring schedule sa araw ng Huwebes sa Sta. Rita at Byernes naman sa Old Cabalan.
Umaasa ang LVOC na maaabot ang labindalawang libong target na maturukan sa ikatlong bugso ng national vaccination.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
