Mga negosyante, hinikayat na pag-aralan ang on-line transactions ng DTI-Sorsogon

SORSOGON CITY – Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI)-Sorsogon  ang lahat ng mga entreprenuers na matuto at pag-aralan ang on-line transactions ng ahensya.

Sa pahayag ni  Lourdes Diaz ng DTI-Sorsogon, sinabi nito na mula kasi sa pagfile ng loan application hanggang sa pagrerenew at pagpaparehistro ng pangalan ng kanilang mga negosyo ay sa on-line na idinadaan at pinoproseso.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ito  umano ang rason kung bakit kanilang pinapayuhan ang mga MSME’s na mag-upgrade din at dapat na matutunan ang makabagong teknolohiya sa dahilang ito na ang ginagamit sa lahat ng mga transaksyon.

Aniya, bukod kasi sa hindi ito abala kapwa sa negosyante at mga empleyado ng DTI malaking tulong din ito upang makaiwas sa coronavirus transmission.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Una rito, sinabi ng opisyal na ang online transactions ay kanila nang ipinatutupad dati pa, subalit ngayon lamang mas napagtuunan ng pansin dahil na rin sa mga restriksyon na dulot ng pandemya.