Mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Aghon sa Quezon, umabot na sa anim

Umabot na sa anim na katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Aghon sa lalawigan ng Quezon.

Kung saan, tatlong (3) katao ang binawian ng buhay sa Lucena City, isa (1) sa Mauban, isa (1) sa San Antonio at ang pitong buwang gulang na sanggol sa Pagbilao.

Read More:  One dead after car collides with oil tanker in Sibulan, Negros Oriental

Ilan sa mga naging dahilan ng mga casualty na ito ay ang pagkatumba ng puno habang ang ilan naman ay nalunod.

Read More:  School threat averted in Sultan Kudarat; student arrested in South Cotabato

Matatandaan na nitong Mayo 26, nanalasa ang bagyong Aghon sa lalawigan kung saan ilang mga kabahayan at pamilya ang naapektuhan.