Mga napagtagumpayan ng BARMM nitong 2019 ibinida sa PRE-SONA series sa Bangsamoro Government Center

PINANGUNAHAN kahapon ng umaga ng Presidential Communications Operations Office, Office of the Cabinet Secretary at Department of National Defense ang pagsasagawa ng PRE-SONA series sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex dito sa lungsod.

Ito ay bahagi umano ng ikaanim at panghuling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinakda ngayong July 26, 2021 kung saan inilahad dito ang lahat ng mga napagtagumpayang programa ng administrasyon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Lumahok sa nasabing PRE-SONA series ang ilang mga matataas na opisyal ng rehiyon, mga alkalde, PNP, AFP at iba pang sector kung saan panauhing pandangal sina Cabinet Secretary Karlo Nograles at DND Secretary Delfin Lorenza.

Sinabi ni CabSec Nograles na isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng Pangulo ay ang problema ng hunger o kagutuman sa bansa at masasabi anya itong napagtagumpayan ng Administrasyong Duterte.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Bukod dito nabigyan din ng pagkakataon ang Regional Government ng BARMM sa mga cabinet member ng Pangulo na ihayag ang mga nakamit ng rehiyon mula ng maitatag ang noong 2019.

Pinasalamatan din ng BARMM leadership sa pamamagitan ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang political will ng Presidente dahil sa hangaring makamit ang tunay at pang matagalang kapayapaan sa rehiyon bagay na itinuturing na isa sa mga PAMANA NG PAGBABAGO ng Pangulo.