Mga nanghuhuli ng crablets o langaw- langaw na apektado ng ban tinulungan ng BFAR

CAMARINES NORTE- Pinagkalooban ng tulong pangkabuhayan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga “displaced” langaw- langaw gatherers makaraang ipagbawal ang panghuhuli nito.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam nasa 27 sets ng bottom set gill net ang ipinagkaloob sa mga apektadong langaw- langaw gatherers sa Sabang at Sula sa bayan ng Vinzons.

Mababatid na simula noong Marso ay ipinagbawal ng BFAR ang panghuhuli at pagbebenta ng crablets o mas kilala sa tawag na “langaw- langaw.”

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Una nang ipinaliwanag ni Tiam na bawal naman talaga ang panghuhuli nito.

Pero Marso nang nakaraang taon nang pansamantalang suspendihin ang isang section ng Fisheries Administrative Order 264 at payagan ang panghuhuli at pagbiyahe ng langaw- langaw na may sukat na mas mababa sa 5 centimeters.

Nagpaso na ang isang taong suspension order ng implementasyon ng Section 3 ng naturang FAO epektibo noong nakaraang buwan kaya bawal na muli ang panghuhuli at pagbiyahe nito.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ipinagbawal ang paghuli ng langaw- langaw dahil lumalabas sa mga pag- aaral na hindi na ito nabibigyan ng pagkakataong lumaki bunsod ng patuloy na panghuhuli at bentahan.

Ang walang habas na panghuhuli ng langaw- langaw at iligal na pagbiyahe nito ay magreresulta  umano sa  pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling mature crabs.

Ang kundisyon sa mga nakatanggap ng tulong pangkabuhayan ay hindi na sila muling babalik sa dating hanapbuhay na panghuhuli ng langaw- langaw.