Mga nambato ng shuttle van sa Palawan, wanted sa pulisya

Pinaghahanap na ngayon ang mga responsable sa pambabato ng pampasaherong van sa barangay Aberawan, El Nido Palawan.

Ayon kay PMAJ REX D VILCHES, Acting Chief of Police, sa ngayon ay nakikipagtulongan sila sa pamunuan ng barangay upang matunton o makilala ang nambato at kung ilan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sinabi ni Major Vilches na mananagot ang suspek kahit pa ito ay kabataan.

Samantala, hinala ni Kapitan Rodante Reynoso ng Barangay Aberawan na hindi residente sa kanilang barangay ang nambato pero tiniyak nito na mananagot pati ang mga magulang ng kabataang mapatutunayang sangkot sa insidente.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kung matatandaan ay isang pampasaheron van ang napinsala sa pambabato habang binabaybay ang national highway noong gabi ng Sabado pero walang nasaktang pasahero.