Husky, pinagtataga – patay sa bayan ng Narra

Patay ang dalawang taong gulang na aso (Husky) matapos tadtarin ng taga sa Zone 4 Barangay Princess Urduja, Narra Palawan.

Ayon sa may-ari nito na si Shiela Nalda, labis ang kanilang pagkadismaya sa nangyari sa asong si “Arya” dahil pinagtataga ito bandang alas-sais nitong Biyernes, April 22, 2022.

Kwento niya sa Brigada, bago ang insidente ay pinapakain ito ng kanyang pamangkin nang bigla itong makalabas ng cage o kulungan kaya agad itong hinabol upang hulihin.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Umabot sa compound ng kapitbahay ang aso at doon ay nanghabol umano ito ng manok pero hindi nila agad nahuli si Arya dahil nakasara ang gate ng kapitbahay.

“Ang bilis ng pangyayari, nakita daw nila ‘nung nakapasok na sila- tinaga na nila ‘yung aso. Opo, doon sa loob ng compound nila, sa lote. Hindi umatake ng tao, nanghabol ng manok.”-Ms. Shiela

Hindi raw kinausap ni Ms. Shiela ang tumaga sa kanyang alaga pero ayon umano rito ay hindi nito maawat ang aso kaya pinatay na lamang.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

“Nanghabol ba ng manok at ‘yung nangyari ‘yun tiningnan naming anong na-damage na manok. Ang isang sisiw nabalian lang ng pakpak at ang isang tandang, nabunotan lang ng balahibo … Yun lang ang dahilan para patayin nila ang aso?!”- Ms. Shiela

Dahil sa nangyari ay masama ang loob ng pamilya ni Shiela kaya agad silang nagpa- blotter sa barangay at hindi daw sila magpapa-areglo.