Mga nakamamatay na COVID-19 variants, posibleng ‘extinct’ na – DOH

Naniniwala si Department of Health Secretary Ted Herbosa na posibleng ‘extinct’ na ang mga nakamamatay na COVID-19 variants na Alpha at Delta.

Ito ay matapos bumaba sa 4 na posiyento ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon kay Secretary Herbosa, 21 percent na lang ang hospitalization at 16 percent nito ang nasa ICU.

Aniya, mukhang wala nang dapat pang ipangamba ang ating mga kababayan.

Gayunpaman, pinapayuhan pa rin ang publiko na kung may respiratory symptoms ay wag nang lumabas at mamalagi muna sa bahay.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Samantala, base sa huling tala ng DOH noon pang January 8 ay nakapagdagdag ito ng mahigit 500 bagong kaso, na nagdala sa kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa higit sa 4.1 milyon mula nang magsimula ang pandemya.