Mga nagvoluntary exit sa 4ps sa Region 2 ngayong taon, umabot na sa 800 households

Umabot na sa 800 household ang boluntaryong umalis o nag-graduate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development Region 2 ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni Pantawid Program Information Officer Jeanet Lozano ng DSWD RFO2 sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, mula nang nagsimula ang 4Ps sa rehiyon noong 2009 ay mayroong 10,000 household ang naalis sa programa at mula rito ay 3,000 household ang boluntaryong umalis.

Mula sa nasabing 3,000 household ay 800 rito ang naitalang aalis ngayong taon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Bukod aniya sa voluntary exit ay mayroon pang mga paraan kung bakit natatanggal ang isang benepisaryo sa Pantawid Program base sa Republic Act 11310 o 4Ps Act.

Una rito aniya ay ang automatic exit o natatanggal agad ang isang household kung ang minomonitor na estudyante na nakikita ng DSWD Central Office sa isang pamilya ay umabot na sa 19-anyos o nakapagtapos na ng High School.

Ayon pa kay Pantawid IO Lozano, kabilang din sa kanilang ipinapaliwanag ay limitado sa pitong taon lamang ang pamamalagi sa programa upang mabigyan din ng tulong ang ibang pamilya na nangangailangan nito.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Isa rin umanong mahigpit na binabantayan at dahilan kaya iminumungkahi sa Central Office ang isang household para sa delisting ay dahil sa maling paggamit ng cash grant o ginagastos ito sa sugal, nakalalasing na inumin at maging sa paggamit ng illegal na droga.

Sa ngayon ay nasa 106,212 pa rin ang aktibong miyembro ng 4Ps sa rehiyon at 48,000 dito ay mula sa lalawigan ng Isabela.