Mga nagparehistro para makabunahan kontra COVID-19 sa Naga pumalo na sa 31K; Bagong 5k doses ng bakuna dumating na

NAGA CITY- Pumalo na sa 31-libo ang nagparehistrong  nais magpabakuna sa lungsod ng Naga.

Ito ay ayon kay Information and Technology Head Reuel Oliver. Aniya 12-libo rito ang nagparehistro online habang 19-libo naman sa manual sa tulong ng mga barangay personnel lalo pa mga health workers.

Sa bilang na ito pinakamarami ang mga nasa A4 o mga frontline personnel sa essential sectors kasama ang uniformed personnel , A5 o indigent populations  at C mga populasyong hindi kabilang sa unang mga priority list.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sinabi pa nito sa naging panayam ng Brigada News FM Naga na ay maghihintay ng itinakdang schedule na ipapadala sa pamamagitan ng text message, depende sa availability ng bakuna.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kahapon, wala munang bakunahan dahil naubos na ang huling 5K doses na ibinaba ng Department of Health subalit kahapon din dumatin ang 5-libong karagdgang vials. Ito ay gagamitin para sa 2nd dose ng mga una nang nakatanggap ng 1st dose upang maging fully vaccinated.

Ngayong Sabado ipagpapatuloy ang vaccination rollout.