APEC bukas sa request ni Cong. Garbin sa ERC na imbistigahan ang umanoy anomalya sa kuryente sa Albay

LEGAZPI-Maikukunsidera umanong pantay na oporunindad sa hanay ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang kahilingan ni AKB Party-list Representative Congressman Alfredo “Pido” Garbin Jr na imbistigahan ng Energy Regulatory Board o ERC ang umanoy dinidiinan nitong kasinungalingan at anomalya sa kuryente sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Albay Power Energy Corp. (APEC) internal relations and customer support department Head Lesley Capus, bukas sila sa ganitong inisyatibo na hingiin sa ERC ang pag-audit at pag-imbistiga sa APEC.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aniya, panahon din ito para linawin ng kanilang management ang isyu at masettle rin ang problema sa kuryente sa lalawigan.

Handa rin umano silang ipresenta ang mga makatotohanang impormasyon sa mga customer ast stakeholders.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dagdag pa nito ang power distribution business ay isang regulated industry at kanilang kino-comply ang striktong pagsusumite ng mga reports at requirements sa ERC at pinapanindigan din nito na sila ay transaparent at walang dapat itago sa mga consumers sa pagtaas ng kuryente sa Albay.