Mga nagpabakuna ng booster shot sa Camarines Norte halos nasa sampung porsiento pa lang

CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapabakuna ng booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang alas 6 ng umaga nitong Miyerkules, Agosto 31, sa 319, 557 na fully vaccinated nasa 39, 684 pa lang o 9. 1 percent ang nakakatanggap ng unang booster.

Pinakamataas ang porsiento ng mga nagpabakuna ng booster shot sa bayan ng Daet na may  16, 444 o 21. 1 percent.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sinusundan ito ng San Vicente na mayroong 18. 0 percent o 1, 393 nabakunahan ng unang booster shot sa 8, 409 na fully vaccinated.

Ang Talisay ay mayroong 13. 3 percent makaraang mabakunahan ng unang booster shot ang nasa 2, 563 indibidwal.

Ang San Lorenzo Ruiz naman ay mayroong  11. 3 % makaraang makapagbakuna ng booster shot sa 1, 178 indibidwal mula sa  7, 629 na fully vaccinated.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Habang ang natitirang siyam na bayan ay wala pang sampung porsiento ng kanilang target population ang nakakatanggap ng unang booster shot.

Ang Basud ay mayroong 8. 3 percent ang nakakatanggap ng unang booster shot, Capalonga 8.0, Mercedes 6.9 percent, Jose Panganiban 6.7 percent, Vinzons 6. 2 percent, Sta Elena 4. 3 percent, Labo 4. 2 percent at Paracale 3. 6 percent.

Nasa 3, 365  naman o 0. 77 percent ang nakatanggap na ng second booster sa lalawigan.