Mga naghain ng COC sa huling araw ng filing period mas kakaunti kumpara sa mga naunang araw

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 1, 009 ang naghain ng Certificate of Candidacy sa buong lalawigan ng Camarines Norte  noong Sabado, September 2 o sa huling araw ng filing period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Mas kakaunti ito kumpara sa pinaka unang araw noong August 28 na umabot sa 2, 411.

Batay sa datos ng Commission on Elections pinakamarami ang naghain ng COC noong huling araw sa Jose Panganiban na may 171.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa bilang na ito 8 ang naghain ng COC sa pagka Punong Barangay, 78 sa pagka Barangay Kagawad, 11 sa pagka SK Chairperson at 74 sa pagka SK Kagawad.

Sinusundan naman ito ng Daet na may 159, Mercedes 87, Vinzons 75, Capalonga 56 at Paracale na may 43.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pinakakaunti naman ang nag file sa San Lorenzo Ruiz na mayroon lang 31.

Hindi pa naglalabas ang Comelec Provincial Office ng kabuuang bilang ng mga naghain ng COC sa buong filing period.

Mula naman kahapon, September 3 hanggang October 18 ay mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya. Magsisimula ang campaign period sa October 19 na tatagal hanggang 28.