CAMARINES NORTE – Magsisimula na ngayong Lunes, September 4 ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries (CAF) na tatagal hanggang Oktubre.
Ang CAF ay ginagawa sa tuwing ika-sampung taon na bahagi ng mandato ng PSA alinsunod sa Republic Act No 10625 o ang Philippine Statistical Act of 2013.
Ang magiging resulta ng CAF ay gagamiting basehan ng gobyerno para sa pagbalangkas ng mga programa na may kinalaman sa dalawang mahalagang sektor, ang agrikultura at pangingisda.
Kaugnay nito ay umapela si Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao sa publiko lalo na sa magiging respondents na makipag- cooperate sa kanilang mga enumerators.
Ani Padayao simula ngayong araw ay maglilibot na ang PSA enumerators sa mga sample Barangays para kumuha ng datos patungkol sa agrikultura at pangingisda.
Ang reference period ng census ay mula January 2022 hanggang December 2022.
