CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 91, 228 ang mga nabakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health as of September 21, 2021.
Ayon kay Dr. Rita Mae Ang Bon, DOH Bicol COVID- 19 Vaccine Coordinator nasa 15 porsiento ito ng target na 440, 581 o 70 % ng kabuuang populasyon.
Sa ngayon ay nasa 11 porseinto pa lamang ang fully vaccinated.
Isang daang porsiento na ang nabakunahan sa A1 priority group o Workers in Frontline Health Service sa estimated target na 6, 430.
Sa hanay naman ng A2 priority group o senior citizen ay nasa 56 porsiento na ang nabakunahan sa target na 43, 229 at 52 porseinto naman dito ay fully vaccinated na.
Nasa 59 porsiento naman ang nabakunahan sa A3 Priority group o Persons with comorbidity sa target na 37, 838 at 36 porsiento dito ay fully vaccinated.
Mababa pa ang vaccination coverage sa priority group A4 na apat na porsiento pa lang sa target na 191, 000 habang isang porsiento pa lang din ang fully vaccinated.
Muli ring inihayag ni Bon na pwede pa ring mahawa ng COVID- 19 ang isang tao kahit ito ay bakunado na
Kaya’t kailangan pa rin aniya ang matinding pag- iingat para hindi magkasakit.
Ang main goal lang naman umano ng bakuna ay maiwasan ang pag develop ng severe at serious symptoms ng COVID- 19 at maiwasan ang pagkaka ospital at pagkamatay.
Kapag fully vaccinated na ang isang tao ay pwede pa ring mahawa ng COVID- 19 pero inaasahang asymptomatic lang ito o kaya ay mild at hindi na kailangang ma- ospital.
