Mga fully vaccinated individuals sa Bicol region nasa 13% na ng 18% coverage

BICOL—Umabot na sa 13% ng 18% coverage sa pagbabakuna ang mga konsideradong fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Bicol region.

Ito ay base sa pinakahuling Vaccine Statistics report ng Department of Health Bicol Center for Health Development kahapon.

Sa 100% coverage sa A1 o mga health workers, nasa 170% na ang bakunado; sa 48% naman sa A2 o senior citizens, nasa 45% na ang fully vaccinated; 45% naman sa 65% coverage sa A3 o individuals with comorbidity; 2% ng 7% coverage sa A4 o mga uniformed personnel at 0.17% ng 0.92% coverage ang bakunado na sa Other priorities.

Read More:  Panic erupts at Tacloban school after role-playing activity mistaken for another shooting

Sa tala, 562,957 na ang mga completely vaccinated kung saan 325, 916 nito ang mga naturukan ng second dose at 237,041 ang mga nabakunahan ng one shot Janssen vaccine.

Read More:  17-year-old student caught with suspected marijuana during school inspection in Bacolod

Umaabot naman sa 546,869 ang mga naghihintay pa ng second dose ng bakuna.

Sa kabuuan, ay umaabot na sa 1,484,180 doses ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng Bicol region kung saan 75% na nito ang naiturok o katumbas ng 1,109,826 doses.###