Health kits ipinamahagi ng DepEd sa iba’t- ibang eskwelahan sa lalawigan

CAMARINES NORTE- Namahagi ang Department of Education (DepEd) ng health kits sa mga guro at kawani ng iba’t- ibang eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nangyari ito sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo at ng Health Section DepEd Camarines Norte sa pamamagitan naman ni Dr. Lirio Palencia.

Ayon sa mga kaguruan matibay itong patunay na hindi isinasantabi ng Deped ang kanilang kapakanan at kaligtasan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Matatandaan na sa pagbubukas ng School Year 2021- 2022 noong nakaraang linggo ay binigyang diin ni Guemo na importante ang kaligtasan ng mga guro at non- teaching personnel.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa harap na rin ito ng patuloy na banta ng COVID- 19 kaya’t kailangan umano ang ibayong pag- iingat.

Pinayuhan din nito ang mga guro na nagdi- distribute  at nagkokolekta ng modules na importanteng i- assess ang sitwasyon sa lugar.

May pagkakataon kasing naisasailalim ang mga ito sa quarantine sa loob ng eskwelahan makaraang magkaroon ng contact sa mga nagpositibo sa sakit.

(Photo Courtesy: DepEd)