CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga nabakunahan ng booster dose sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa datos ng Department of Health hanggang August 6, nasa 36, 729 o 8. 5 percent pa lang ang nakakatanggap ng unang booster shot sa target na 434 382.
Sa A2 priority group o senior citizen nasa 7, 991 o 17. 1 percent pa lang ng 46, 754 ang nakatanggap ng unang booster shot.
Pagdating naman sa edad na 18- 59 ay nasa 28, 424 na ito o 10. 8 percent ng 264, 393 na target.
Kapwa wala pang isang porsiento ang nagpapa booster sa pediatric population o ang mga edad 12- 17 at 5- 11.
Sa edad na 12- 17 ay umaabot pa lang sa 314 o 0. 6 percent sa target na 54, 888 habang sa 5- 11 ay wala pang nagpapa booster.
Mababatid na sinimulan sa Camarines Norte ang COVID- 19 vaccination sa mga edad 5- 11 noong Marso.
Sa kabuuan naman ay umabot na sa 80. 8 percent ang COVID- 19 vaccination coverage sa lalawigan.
Patuloy naman ang panawagan ng Provincial Health Office na magpabakuna na ng booster shot ngayong tumataas na naman muli ang mga kaso ng COVID- 19.
