COVID- 19 vaccination coverage sa Camarines Norte umabot na sa 80. 8 percent

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 80. 8 percent ng target na 434, 382 ang COVID- 19 vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa datos ng Department of Health hanggang Agosto 6 ng taong kasalukuyan.

Sa senior citizen nasa 35, 333 o 75. 6 percent ng target na 46, 754 ang nabakunahan habang sa edad 18 hanggang 59 anyos ay nasa 244, 572 o 92. 5 percent ng target na 264, 393.

Lumagpas naman sa target ang edad 12- 17 na mayroong 109. 6 percent vaccination coverage.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa target na 54, 888 ay nasa 60, 155 ang aktuwal na babakunahan.

Sa edad 5- 11 namay ay nasa  10, 854 ang nakatanggap nan g bakuna o 15 . 9 percent ng target na 68, 347.

Mababatid na bago ilabas ng DOH ang advisory patungkol sa recalibrated target population nasa mahigit 97, 000 na mga bata sa naturang age group ang target na mabakunahan.

Ang San Vicente na pinakamaliit na bayan sa lalawigan ay mayroon nang 114. 9 percent vaccination coverage na sinusundan ng capital town na Daet na mayroong 97. 5 percent, Basud na may 94. 9 percent, Capalonga na may 94. 7 percent at Talisay na nasa 92. 1 percent na.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang San Lorenzo Ruiz ay mayroon na ring 80. 3 percent  vaccination coverage.

Pasok na rin at lumagpas na sa 70 percent ang vaccination coverage sa mga bayan ng Mercedes, Jose Panganiban, Labo at Vinzons.

Habang ang Paracale ay nasa 65. 5 percent pa lang ang overall vaccination coverage at 67. 7 percent naman sa Sta Elena.