Dalawang bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng dalawang bagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte pagkaraan ng ilang buwan.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan tinukoy itong si Bicol No 60689, 25 anyos na babae mula sa Barangay 2 at walang nararamdamang sintomas.

Wala itong travel history at unknown din ang history of exposure.

Agosto 1 nang ito ay magpositibo sa Rapid Antigen test kaya ay isinailalim sa RT- PCR test.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Agosto 4 nang lumabas ang resulta na ito ay positibo sa COVID- 19.

Ang pasyente ay kasalukuyang nasa Camarines Norte Provincial Hospital at naka- home quarantine ngayon ang mga kapamilya.

Ang isa pang tinamaan ng COVID- 19 ay ang 21 anyos na babae mula sa Barangay Del Rosario na may code na Bicol No 60693.

Tulad ng nauna, nagpositibo ito sa Rapid Antigen test noong Agosto 1 kaya isinailalim sa confirmatory test sa pamamagitan ng RT- PCR.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Lumabas na positibo ito sa COVID- 19 Agosto 4 na ngayon ay naka- isolate sa Daet Municipal Health Office at walang nararamdamang sintomas.

Nagsagawa na umano ng kaukulang contact tracing ang Mercedes Inter -agency Task Force upang mapigilan ang pagkalat ng impeksyon.

Patuloy din ang paalala ng Lokal na Pamahalaan sa lahat na hindi pa tapos ang problema sa COVID- 19 kaya importante ang pagsunod sa health protocols.

Sa ngayon ay mayroon nang kabuuang 182 kaso ng sakit sa naturang bayan.