CAMARINES NORTE- Bigo pa ring maabot ng Camarines Norte ang herd immunity sa COVID- 19 vaccination.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong Huwebes, Hulyo 21, nasa 349, 883 sa 512, 997 na target population ang nababakunahan o 68. 2 percent
Sa bilang na ito nasa 316, 733 o 61. 74 percent ang fully vaccinated.
Umaabot sa 35, 319 sa target na 55, 004 o 64. 2 percent ang nabakunahan sa hanay ng senior citizen.
Mataas- taas naman ang vaccination coverage sa edad 18- 59 na mayroong 244, 360 o 74.0 percent sa target na 330, 178.
Mataas na rin ang bilang ng mga nabakunahan sa pediatric population edad 12- 17 na mayroong 60, 003 sa target na 78, 413 o 76. 5 percent.
Pero kung mataas na ang vaccination coverage sa age group na 12- 17, nananatiling mababa pa ang mga nababakunahan sa mga batang edad 5- 11 na nasa 10, 201 o 10. 4 percent sa target na 97, 638.
May pinakamataas na porsiento nang nabakunahan ay sa San Vicente na siyang pinakamaliit na bayan na nasa 97. 1 percent.
Ang kabiserang bayan ng Daet ay nakapagtala ng 82. 4 percent vaccination coverage.
Habang ang bayan ng Basud ay nasa 80. 04 percent vaccination coverage na at ang Capalonga ay nasa 79. 7 percent.
Pinakamababa ang porsientong nabakunahan sa Paracale na nasa 55. 3 percent pa lang, Sta Elena na nasa 57. 3 percent at Vinzons na nasa 59. 2 percent.
Ang iba pang mga bayan ay hindi pa umaabot sa 70 percent ang vaccination coverage tulad ng Jose Panganiban, Labo, Mercedes at San Lorenzo Ruiz.
